Ang aking Pamilya
![]() |
| Kainan time together with our auntie's,uncle,cousins,nanay and pamangkin |
Everytime na nakikita ko
ang mga pictures ng family ko nalulungkot ako kasi sobrang miss ko na sila. Matagal
tagal na rin kasi kaming hindi nakapag ba-bonding. Kaya ako Palagi ko
tinitingnan ang pictures nila feeling ko kasama ko sila. Grabe kasi kapag
magkakasama kami puro pagkain at syempre gawa ng nag-iisang uncle namin si Tito
Ely. Unahan sa pagkuha ng pagkain, ang mga bata ay naku grabe ang kain nila, ang
sarap talaga kapag magkakasama lahat.
![]() |
| Sarmiento Family (Jun,me,Amiel,Papa,Nanay,Bluh,Mark,Hanna,and Lee) |
Buti na lang nasa Montalban sila Nanay at Papa kahit papano may
napupuntahan kami. Kaso malapit na rin silang umalis papuntang amerika,
nakakalungkot lalong isipin na mga magulang mo mismo ang lalayo, iba kasi na
kasama mo sila.
![]() |
| My brothers(Lee,Mark and Robert) |
Ka miss din mga kapatid ko ,hirap talaga kapag magkakalayo at mga busy sa mga trabaho , buti
na lang may facebook at skype kahit magkakalayo kami palagi
ko parin sila nakakausap at na le-lessen ang pagkainip ko sa kanila .
![]() |
| My husband (JUN), my son (AMIEL) and me. |
Buti na lang na blessed
parin ako ng isang gwapo at masayahing anak, siya si Jan Amiel. Siya ang nagbibigay
sa aming mag-asawa ng ngiti dahil sa kadaldalan nya palagi nya kami napapatawa.
Pasalamat din ako kay Lord sa pagbibigay nya sa akin ng maunawain, maalaga at
mapagmahal na asawa na palagi nandyan sa amin ng aking anak. Kahit tatlo lang
kami sa bahay masaya at tahimik naman ang buhay namin .
Sila ang pamilya ko na
nagbibigay palagi sa akin ng lakas at inspirasyonupang
maging matatag at
maging masaya.
Thank you LORD !!!




Ang saya naman ninyo.... sama naman dyan
ReplyDeleteok po for sure tataba ka ba dun, sarap ng pagkain. He!he!
Deleteang saya saya...
ReplyDeletehappy
ReplyDelete;)