Thursday, May 30, 2013

Ang Pamilya Ko

  
 Ang aking Pamilya
Kainan time together with our auntie's,uncle,cousins,nanay
and pamangkin
                      Everytime na nakikita ko ang mga pictures ng family ko nalulungkot ako kasi sobrang miss ko na sila. Matagal tagal na rin kasi kaming hindi nakapag ba-bonding. Kaya ako Palagi ko tinitingnan ang pictures nila feeling ko kasama ko sila. Grabe kasi kapag magkakasama kami puro pagkain at syempre gawa ng nag-iisang uncle namin si Tito Ely. Unahan sa pagkuha ng pagkain, ang mga bata ay naku grabe ang kain nila, ang sarap talaga kapag magkakasama lahat.


Sarmiento Family
(Jun,me,Amiel,Papa,Nanay,Bluh,Mark,Hanna,and Lee)
    


       Buti na lang nasa  Montalban sila Nanay at Papa kahit papano may napupuntahan kami. Kaso malapit na rin silang umalis papuntang amerika, nakakalungkot lalong isipin na mga magulang mo mismo ang lalayo, iba kasi na kasama mo sila.



My brothers(Lee,Mark and Robert)
        


        Ka miss din mga kapatid ko ,hirap talaga kapag  magkakalayo at mga busy sa mga trabaho , buti na lang may facebook at skype kahit magkakalayo kami   palagi ko parin sila nakakausap at na le-lessen ang pagkainip ko sa kanila .


My husband (JUN), my son (AMIEL) and me.


                                                                                              

        Buti na lang na blessed parin ako ng isang  gwapo at masayahing  anak, siya si Jan Amiel. Siya ang nagbibigay sa aming mag-asawa ng ngiti dahil sa kadaldalan nya palagi nya kami napapatawa. Pasalamat din ako kay Lord sa pagbibigay nya sa akin ng maunawain, maalaga at mapagmahal na asawa na palagi nandyan sa amin ng aking anak. Kahit tatlo lang kami sa bahay masaya at tahimik naman ang buhay namin .

                        Sila ang pamilya ko na nagbibigay palagi sa akin ng lakas at inspirasyonupang                   
 maging matatag at maging masaya.          

                                                                                               Thank you LORD !!!




4 comments: